Maging matatag tayo sa haharaping pagsubok sa buhay at harapin natin ito ng buong-loob.

Lunes nanaman! Bagong pagsubok ang haharapin. Magiging matapang ba tayo ngayong linggo? Dapat lang na tayo ay maging matapang at matatag sa bagong bawat araw. Gigising na hindi alam ang mangyayari, matutulog gabi-gabi na laman sa puso at isipan ang mga katagang "Nagawa ko ngayong araw, magagawa ko rin bukas." Sana ay harapin natin ang bawat araw na buo ang loob at sikaping matapos ang mga gawain upang makamtan ang ating hinahangad. Sa bawat hakbang na tatahakin, huwag kalimutan ang magdasal para gabayan tayo ng ating Panginoon.

Pubmat by: Jazmine Flores
Caption by: Samantha Dela Paz