Magandang araw sa lahat!

Ngayong Marso ay ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Kababaihan, kung kaya palakpakan natin ang ating mga sarili dahil tayo ay mga babae! Sa mundo na ating ginagalawan, mahirap maging isang babae dahil sa iba't ibang pangyayari gaya ng nararanasan na insulto at mababang pagtingin sa atin. Kaya kailangan nating ipinaglaban ang ating sarili hindi lamang para may mapatunayan kundi para na rin sa ating lipunan at sa mga susunod na henerasyon. Kung ano ang aksyon na gagawin natin ngayon ay magiging tulong sa ating kinabukasan. Pag – aralan kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan o 'di kaya magpalaganap ng kaalaman na makakatulong sa lipunan. Maging responsible bilang babae sa lahat ng pagkakataon para maging makabuluhan ang ating pagkababae. Sabi nga ni Michelle Obama, "There is no limit to what as we women can accomplish".

Pubmat by: Maxynne Reyes (Blue Heights Layout Committee) Caption by: Calixta Duenas